United States or Ukraine ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun hindi rin nauauala ang saquit nang mata, ay lag-yan ang maysaquit nang parapit número 36 sa batoc ó sa licod nang tayin~ga, at pabayaang sumago nang ilang lingo. Cun ang saquit nang mata ay malaqui, ay tapalan cun gabi nang tinapay na durog at gatas na pinatacan nang caunting lana, at cun umaga,i, hugasan n~g gatas na malacucong tinubigan.
Bucod dito ay palonoquin ang maysaquit arao-arao nang dalaua ó tatlong píldoras ó pelotilla na bilin sa numero 43; saca doonan nang parapit número 36 sa batoc ó sa licod nang tayin~ga, na pababayaang sumago doon nang malauong panahon, at cun minsan macacaquita na ang maysaquit. Ang gamot sa may sugat sa suloc nang mata, ó sa liran.
Cun siya,i, dating linalabasan nang dugo sa puit, para nang inaalmorranas, ó cun pinapauisan sa paa ó sa catauan, ó dating binabalin~goyn~goy, at saca siya,i, naual-an at inurun~gan noon man~ga yaon; ó cun hindi sumago ang fuente, cun baga may fuente, ó cun nabahao ang caniyang sugat na malauon, ó ang caniyang dating galis, buni, ó ang ibang man~ga bagay na lumilitao sa catauan.
Salita Ng Araw