United States or Ukraine ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nakaraán ang isáng malakíng bahagui n~g araw at ang pagkainíp ay sumagui sa akin, sa di pagkárin~gíg n~g anománg hudyát na amíng pinagkasunduan, at di ko naman malaman kung saán sila napatun~go, Kung sukatin ko naman n~g malas ang napakalawak na gubat na namámagitan sa akin at sa kabayanan, ay lubha akóng nalululá sa di matapós-tapos na m~ga dawag, na sumasatitig.
Sa ganitong pangyayari, kaming nagsiaklás ay wala nang nalalabing pag-asa munti man sa pagtatagumpay; sapagka't nakikinikinita ko, na sa likod n~g taksil na si Pablo at sa likod pa n~g ilan pang nahikayat niya, ay susunod naman ang ilan pa; at sa wakas ... sa wakas n~ga, ay marahil ang lahat na ¡Sukatin mo, Serafina, kung sa lahat nang itó ay may puso akong itatagal!