United States or Turks and Caicos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang tan~ging pamanang sa aki'y naiwan Ay malaking gusi n~g mayamang aral: Anak ko: hanapin iyang karunun~gan, Ang dunong ay pilak, ang aklat ay buhay. Sa harap n~g bait, ay silaw ang lakas, Sa harap n~g matwid ay yuko ang lahat, Ang mundo'y niyari n~g paham at pantas, Ang babae'y tinik n~g isang bulaklak.

Kahoy na laki sa burak, daluro ó pagatpat ó pangatong lamang; at kung sakalí't may batang may pusong pangahas, ang kapangahasa'y tagó at gagamitin sa samá, paris ng silaw na kabag na makapakita kundí pag tatakip silim. Karaniwang panagot ang una'y kabanalan at pagsinta sa Dios. Ñguní at ano ang kabanalang itinuró sa atin?

Tunay at ang mundó'y maginto't mamutya: may dunong, may pilak, may ganda, may tuwa, may puri, may lahi't may bahay... datapwa, ang lalong maran~gál sa ami'y: ang tula . Ako'y hindi siláw sa ningning n~g ginto; di takót sa dunong; di gulát sa tayo; sa mutya'y di kimi't sa ganda'y di dun~go, n~guni't sa dakilang tula'y: yukong-yuko.

¡Oh, m~ga magulang na silaw sa pilak na nan~gan~galakal n~g puri n~g anak, man~gagnilay sana, bago magsisubo sa guhit n~g palad at baka madapa sa gitna n~g landas!... ¡Oh, m~ga babaing masakim sa yaman pagibig at puri ay niyuyurakan, bumalikwas kayo't inyo nang baguhin ang kinahiligan upang makailag sa kasakunaan!...

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap