Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Agosto 24, 2026
Sa hangad na matiyak ang tunay na nangyari'y hinagisan n~g mapun~gay na sulyap ang mukha ni Elsa. ¡Ah, tila n~ga nababanghay ang isang panibughong hindi karaniwan! ¡Hindi n~ga sasalang narinig ni Elsa! ¡Kay samang pagkakatoon! Ibig niyang aruin ang kanyang mestisa ay hindi magawa, pagka't may m~ga kaharap.
Ang huling saad na ito n~g mestisa marahil ay narinig n~g isang lalaking han~gos na pumasok sa tarangkahan n~g bahay na iyon, kaya't buhat pa sa may tapat n~g durun~gawan sa lupa ay malakas nang tumawag. ¡Elsa! Si Elsa ay hindi sumagot. N~guni't di sasalang nakilala niya agad ang tinig na yaon, kaya biglang nagitla at pinamutlaan n~g labi.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap