United States or Chile ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang muling magsulit agad naquilalang isa sa canila,i, si Valerio pala; uica,i, houag ninyong iraos ang tica sa cay Eduvigis at cay Esperanza. Agad nahalatang siya,i, tinutuya caya biglang biglang namula ang muc-ha, puñal ay binunot patain ang nasa itong si Hortensiong dating inaaba.
Masiglang cataua,i, hindi nagsasaua sa ugali niyang magpagalagala; ang man~ga casama,i, lalong nagpalalá sa caniyang asal na dating masama. Pagdating nang gabi,i, hindi linilisan ang taglay touinang matulis na puñal; paglilibot niya,i, pinaglalamayan, saca ang pagtulog naman ay sa arao.
Abang si Hortensio,i, iniuaang agad, ¡salamat sa lan~git siya,i, nacaiuas!; dalauang casama nama,i, nagmamalas sa maguiguing hanga niyong paglalamas. Sa muling pag-iua,i, pagdaca,i, naagao sa camay nang lilo ang puñal na tan~gan, tuloy inihaguis na pina-ilandang pang di nagnanasang matay sa sinoman.
Salita Ng Araw