United States or Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni't aking nakikitang cayo'y hindi gaya n~g inyóng amá; iyon ang túnay na matapang; ang hindi matapang ay huwag maghanap n~g m~ga laro. At saca umalis doon, baga man hindi totoong nagpacalayo. ¿Pumayag na tayo, may pinagcacaibhan pa ba? ani Bruno. Iisa ang kinauuwian n~g mabitay ó mamatay na marahil: walang ibang kinauukulan nating m~ga dukha.
¿Hindi bagá nagcacawan~gis ang culun~gán n~g m~ga hayop at ang Campo Santo? ang isinagót n~g matandáng lalaki; ang pinagcacáibhan lamang ay ang tan~ging pumapasoc sa Campo Santo'y yaóng m~ga hayop na nauucol sa isáng pulutóng.... ¿Siyá ca na n~ga! ang isinigáw sa canyá ni hermana Putê; ipagsásanggalang mo pa ang taong nakikita nating maliwanag na maliwanag na pinarurusahan n~g Dios.