United States or Hungary ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang malaman ni Bonifacio na ang m~ga mayaman at m~ga litaw na pilipino, ay ayaw sa paghihimagsik, siya'y umisip n~g isang paraan na ang m~ga ito'y mapadamay sa paguusig sa m~ga taga "Katipunan". Una, ay nang lalong masugatan ang puso n~g m~ga taong bayan kung makitang pati n~g m~ga mayayaman't m~ga litaw na kababayan ay pinipiit at pinagbabaril, at, ikalawa't higit sa una'y nang sa gayon ay lalong lumagablab ang apoy n~g paghihimagsik.
65. =Sino sino ang m~ga pinagbabaril?= Hindi maaaring isiwalat. Marami. Sa m~ga kasapi sa "Katipunan" ay di na kailan~gan sabihin pa. N~guni't ang m~ga unang ipinabaril n~g pamahalaang kastila sa Luneta noong ika 4 n~g Septiembre n~g 1896, ika 5 at 1/2 n~g hapon, ay siná: Sancho Valenzuela, Eugenio Silvestre, Modesto Sarmiento at Ramon Peralta.
Ang iba'y sa tacot sa dagat nagtalón nasang mailigtas ang búhay sa lan~góy n~guni't nahuli rin nang cañonero roon cusang nagtatanod na ualang caucol. Ang ibang nagtago at hindi gumalao sa sariling bahay tinacas na tanan at pinagbabaril yaong iba naman dito sa Maynila ay dinalang tunay.