United States or United States Minor Outlying Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang bagay na ito'y sinabi ko lamang di ka pinipilit na ako'y ayunan, n~guni't sa sarili n~g bait na simpan ikaw ang bahalang sa wasto'y magtimbang. At kung matagpuan n~g pantás mong isip ang kalulunduan n~g hustong matuwid hinahong papayag naman yaring dibdib at tatangapin mo ang aking panalig.
Hindi ka ba nananan~gan sa Dios? Waláng Dios ang mahirap ang tugón n~g may nasang magpatiwakal. ¿Hindi ka na umaasa sa pagibig n~g iyong sintá? ¿May pagibig bagang maaasahan sa katawang waláng puso? ¿Hindi ka naniniwalang may kabihisang lan~git ang naghihirap? Hindi, sapagka't ang langit ay bukás lamang sa m~ga may pilak. ¡Taong walang panalig!