United States or China ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang pagsisisi, ang paghihimutók n~g lahat at pagsusumpaan ay dumating. At ang lahat sa katayuan nila n~gayon, ay nagbibigay matwid kay Mauro sa m~ga pagmamatigas nito noón, at sa lahat n~g m~ga ginawa niya sa pagtataguyod n~g aklasan. Subali't ang lahat ay huli na.

Ang matalinong pagsisikap n~g Kawanihan n~g Paggawa sa ipagkakasundo n~g dalawang pangkat na naglalaban ay walang napala; nabigo ang lahat n~g pag-asa n~g Tagapamahala n~g "Bureau del Trabajo" sa ikahuhusay n~g sigalot sanhi sa pagmamatigas n~g m~ga mamumuhunan sa Pagawaang pinagaklasan.

Ipinabatid n~g tinanong, na siya'y umayon na sa pagbabalik sa pagawaan, sapagka't sa ganang kanya, ay wala na rin lamang mapapala ang pagmamatigás laban sa mamumuhunan; at kasabay na rin ang paghikayat sa marami upang magsipasok na.

; ang tugóng may kasiglahan n~g tinanong. ako'y umayon na, sapagka't nakikita kong wala rin lamang pangyayarihan ang ating pagmamatigás; tayo, sa ating kahirapan, ay walang magagawa. Gervasio, Gervasio ... ang ulitulit na tawag na may kahalong pagiring ni Mauro.

Susubukan namin kung hanggang saan aabot ang kanilang pagmamatigás; magpatuloy sila sa kanilang aklasan at tingnan ko lamang kung di sila mamatay sa gutom. Dahil sa bagay na iyan ay ipinatawag kita, at ang ibig ko, sampu rin naman nila, na pawang m~ga mamumuhunan sa pagawaang ito at sabay na itinuro ang m~ga kaharap ay gumawa ka rito, at tuloy humanap ka n~g ibang magiging kasama. Ako po'y ...

Salita Ng Araw

mapisan

Ang iba ay Naghahanap