United States or Czechia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Binabatac lamang nang dalaua catauo ang dalauang casangcapang pagtatamaan, at saca ang isang tauo ay caniyang pinatatama ang dulo nang buto sa caniyang susuutan; cun minsan ay hindi cailan~gan ang tatlo catauo, at na-aari ang isa, cun maalam alam humipo,t, tumin~gin. Cun baga hindi lamang lungmilingsad ang buto cundi nabali pa, ay gagamutin muna ang pagcalingsad, bago gamutin ang pagcabali.
Cun mayroong tauong nabalian nang buto, cun baga may pagcalingsad din ang buto, ay itong paglingsad ang gagamutin muna, para nang turo sa capítulo 31, bago gamutin ang pagcabali nang buto; at ang gagauin n~ga sa nabalian, ay gayon. Ang nabalian nang malaquing buto ay pinahihiga muna nang dalauang lingo lamang. Saca macababan~gon na siya; datapoua caniyang dahandahanin ang pagban~gon.