United States or Micronesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kita mong kami ay walang anak na isa man lamang. Kung iyon po lamang Lelong, ay pabayaan ninio't pag sisilbihan ko kayong parang magulang, lalo't ako'y hindi po naman nakakilala n~g ama't ina at n~g maewan po ako'y musmos pang lubha! Wala ka bang m~ga kapatid? Wala din po. Sus, di magaling: anó, titirá ka na? Opo, titirá na ako.
Tayo'y may ipagdarasal sa bahay ni Kumpareng Kulás. At sino pô ang namatay? Ang anak ko sa biniag. Kayo'y mauna na at ako lamang ay magdaraan dito sa tindahan n~g insik at bibili n~g magagawang bisté, at baka di mayari. Sia n~ga pô; pabayaan ninio't kami ang bahala na pagdating doon.