United States or Turkey ? Vote for the TOP Country of the Week !
Saka, ang pagaasawa, anya pa, ay bun~ga n~g halamang may likas na pangakit: may bulo sa balat, masarap ang amoy, maganda ang hugis at biglaw pa'y may marikit nang kulay na sapat ipaglaway n~g sinomang pihikang makamamalas. Malinamnam at nakabubusog kung suko sa gulang, dapwa't mapait na walang kasingpait at lasong nakamamatay kapag bubot na kinitil sa tangkay.
Ang kanyang asawa ay nasa sa pintuan ng dampa at nangusap: ang babaing yaon ay lalong kakila-kilabot kaysa lalaki; ang anyo ng kamatayan ay nabubuka sa kanyang bibig, ang anyong nakamamatay ng kanyang mga salita ay umiinis sa akin, at ako'y nanlupaypay; inibig niyang mahandusay na muli ako sa ginaw, sa hirap, sa kamatayan, at aking napag-unawa na siya man ay mamamatay rin sa pagtataboy sa akin.