United States or Morocco ? Vote for the TOP Country of the Week !
Saka, ang pagaasawa, anya pa, ay bun~ga n~g halamang may likas na pangakit: may bulo sa balat, masarap ang amoy, maganda ang hugis at biglaw pa'y may marikit nang kulay na sapat ipaglaway n~g sinomang pihikang makamamalas. Malinamnam at nakabubusog kung suko sa gulang, dapwa't mapait na walang kasingpait at lasong nakamamatay kapag bubot na kinitil sa tangkay.
Napan~ganyaya na't wala nang hihintin tulad sa nagdaang sinirang pananím ang pag-asa'y lubos na may aanihin at nang naglalaman ay saka kinitil. Sa lílimang bagay na aking tinuran ika-anim yaóng away na nagdaan ¿ito kaya'y hindí dapat ipagnilay n~g tawo't isipin huling kararatnán?