United States or Gabon ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Cahabaghabag na España, na totoong ipinagsisigawan sa pagdiriwang n~g m~ga líbolibong halíng, na conowa'y sumísinta sa kinaguisnang bayan!... ¡Cahabaghabag na España!... ¡N~g umaga ring iyón, casabay n~g tugtóg n~g "Marcha de Cádiz" na naalis na patuluyan ang paghahári mo sa púsò n~g Filipinas! Ang púsong iyan ay ang cay Rizal na pinaglagusan n~g bala, ¡oh culang palad na España! n~g iyong m~ga mapagpaconwaring sumisinta sa kinamulatang lupa!... Hindî; hindî ikaw, loob mahal na España, ang umamis n~g buhay n~g Dakilang Banál na iyón, ang taong yaong itinutulad cay Jesucristo n~g boong catuwiran n~g pitong an~gaw-an~gaw na pawang naguing m~ga anac mo: ang pumatay sa canya'y ang budhing hílig sa cariliman n~g m~ga iniyanac sa iyong lupaíng inudyucan n~g isang pulutong n~g m~ga fraile; iyang m~ga fraileng cung hindî nan~gatutong gumanáp n~g canilang m~ga catungcalang mahál, ang lalong m~ga mahal na catungculan sa m~ga nagpapan~galang "Ministro n~g Dios", na man~gagsidalaw sa capilla upang ihandog ang canilang m~ga abuloy sa calolowa n~g hinatulang patayín, ay nan~gatuto namáng pumaroon sa capatagan n~g Bagumbayan upang magcamít n~g lihim na galac sa panonood sa pagcapatimbuang n~g Dakilang Mapaninta sa calayaan, na ang guinawang sangcala'y ang balat-cayong pagsintá sa kinamulatang lúp

Sa tanggapan n~g m~ga tagapan~gasiwa n~g karnabal sa Luneta ay nan~gahahanay na n~g boong ayos ang nagpapan~gagaw sa gandang m~ga larawan n~g m~ga kandidatang nan~gagsipagwagi sa timpalak n~g isa't isang pahayagan, bukod-tan~ging hindi mahan~gaan n~g balanang nagsasadya roon ang larawan n~ga ni Teang.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap