United States or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Saca butasan ang man~ga caputol nang matilos na cahoy, nang masootan nang bitbitan, at isinasabit na bucod bucod, nang houag magcadaiti, at nang matuyo. Datapoua cun ualang bacong na handa para nang uica co n~gayon, ay naari ang bagong hucay sa lupa, di man magaling na totoo yaon. Nota. Ang bacong ay dalauang bagay: Ang ugat nang isa ay boo, na ualang baloc na maraming suson suson.
Saca pinacuculo nang isang oras calauon sa apoy na mahina hina, bago salain. Maiinom ang dalauang tagayang maghapon. Itatapon ang unang lagang tubig. Nota. Cun hindi nacagagaling sa maysaquit ang obat ay atuhin ang catauan nang macabuhay na mapait timbang cahati. Cun ualang cayutana,i, naari ang dahon nang saga na ang timbang ay isang salapi. Nota.
Gamot sa natibo nang pagui, lupo sombilang, canduli, ó ibang bagay na isda na ang tinic ay may camandag . Ang gamot sa natibo nang man~ga isdang yaon ay ang gata nang dayap, na ipinapatac sa masaquit, pagbinunot muna ang tinic. Cun ualang dayap, ay naari ang dagta nang dahon nang camote , ó ang maasim ang dalandan , ó ang suha , ang colobot, ó lucban man.