United States or Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang sino mang mamamayan ay may catouirang: Macapagpahayag nang caniyang man~ga caisipa't inaacala, maguing sa bibig maguing sa sulat, at macagagamit nang limbagan ó nang iba pang ganitong paraan na hindi mapaquiquialaman at mababago nino man. Magcatipon n~g tahimic at hinusay. Man~gagsama at man~gaglamita sa anomang cabuhayan n~g tauo.

Ang lugal na pinagpupulun~gan n~g Tanun~gan ay lubhang cagalangalang para rin n~g sa Kapisanan at ang m~ga Apo ay di mapaquiquialaman sa canilang m~ga caisipan gaya n~g m~ga Tagatayó. Ang m~ga pulong n~g Tanun~gan ay hayag din at upang magcaroon n~g bagsic ang caniyang m~ga tadhana ay cailan~gang maharap ang dalauang icatlong bahagui man lamang n~g m~ga Apo.

Ang m~ga Cahalili at Hocom pati naman n~g m~ga Pintacasi ay di mapaquiquialaman sa pag gamit n~g canilang capangyarihan at paris din n~g may m~ga catungculang bayan at sandatahan na di maaalisan n~g catungculan cun ualang usap at hindi maililipat sa ibang lugal cundi nila hin~gin ó dumating caya ang panahon n~g canilang pag taas, ayon sa ipinaguutos.

Ang man~ga Tagatayo'y hindi mapaquiquialaman tungcol sa canilang man~ga caisipan at di sila masisisi dahil dito nino mang may capangyarihan sa ano mang paraan. Habang bucás ang Kapisanan ay di mabibigyang usap ang sino mang magcasala hangan di naquiquilala ang casalanan nang isang Paniualaang ipalagay nito ring Kapisanan.

Salita Ng Araw

kumilos

Ang iba ay Naghahanap