United States or Norway ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ayaw siláng makariníg na mayroóng makata; ayáw siláng makakita na mayroong bagong kasaysayan, at pauulanin na nilá ang pula, lubha pa't isáng maliít ang sumulat. Sasabihing iyán ay mali, walang kabuluhan; at sayang lamang ang ipinagpalimbág. Palalo at pan~gahás ang gumawa niyán, huwág na di masabing siyá ay autor . ¡Kaawaawang m~ga manúnulát!
Niyayo'y buwan n~g Agosto n~g 1882. Nalilipos n~g laguím ang boong Maynila; cakilakilabot ang pagcacamatay n~g tao dahil sa sakit na "cólera". Casalucuyang inilalathalâ niyon ang "Diariong Tagalog"; dalawa caming mánunulat sa wícâ natin sa páhayagang iyon, ang tan~ging macabayan at cárilagdilagan filipinong si Gat Marcelo Hilario del Pilar Gatmaitan at acó. Datapuwa't ¡ay! n~g panahong iyo'y natatanicalaan ang calayaan n~g m~ga panitic, walang nasasaysay cung dî ang papaguingdapating itulot n~g macapangyarihang dito'y nagmamay-arí n~g buhay, dan~gal at pamumuhay n~g m~ga culang palad na filipino. Sa guitnâ n~g gayong cahapishapis na calagaya'y siyang pagdating sa amin n~g isang sulat na galing Barcelona, liham ni Rizal na may calakip na isang mababang casulatang wicang castil