United States or Iceland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Don Saturnino, ang núnò ni Don Crisóstomo. Hindî co nalalamang si Don Saturnino'y.... Oh! maraming bagay ang canyang nalalaman! Hindî lámang mainam mamalò at ibinibilad sa araw ang canyang m~ga trabajador; bucód sa roo'y marunong pumúcaw sa natutulog, at magpatulog sa naguiguising. Darating ang panahóng inyó ring makikita cung anó ang itinurò sa akin n~g aking amá, ¡makikita rin pô ninyó!
Ang humalili sa akin ay hindí totoong nagtagal na gaya co, at n~g siya'y umalís ay lalò n~g marami ang naghatíd, lalo n~g marami ang umiyác at lalo n~g mainam ang música, gayóng siya'y lalò n~g mainam mamálò at pinataas pa ang m~ga "derechos n~g parroquia" , hangang sa halos nag-ibayo ang lakí. N~guni't itutulot ninyó sa aking....