United States or Venezuela ? Vote for the TOP Country of the Week !
Inaakala niyang sa gayong pagkapasubo ni Tirso sa harap n~g madla na umaming walang tutol sa pagpapalagay na sila'y magasawa, ay hindi na naman makapangyayari pa ang paguurong-sulong n~g makatang ito tungkol sa ninanasang mangyari n~g mestisa. N~guni't sa gayong pagdadala sa kanya sa pagamutan dahil sa ginawa niyang paghihimahimatayan, ay di niya maalaman kung paano ang gagawin.
"Oh báyan! báyan!! Násaán ang iyóng dangal?... Násaán ang iyóng lakás? "Makapangyarihan ka sa lahát, nguni't," "Diyós lang ang makapangyayári sa kanyá;" ang kaagad ay ipinútol ni Elíng. "Ang mga mapanglúpig na táo at ibáng báyan ay hindî! Di ba gayón, Gerardo?" "Túnay ang sábi mo, dapwa't di siyang nangyayári." "Sawîng pálad na lahì ang átin!" Ang binata'y mulíng tumungó at mulíng napipi.