United States or Anguilla ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ihanap mo ang iyong bayan n~g República, yaon bagang ang lahat na nagpupuno ay palagay n~g man~ga namamayan, at huag mong payagan cailan man ang Monarquía ang pagcacaroon baga nang hari; sa pagcat ualang binibigyan ang hari nang camahalan cundi ang isa ó ilan lamang na maganac upang maitanghal ang sarili niyang camaganacan, na siyang pangagalin~gan nang lahat na maghahari; hindi ganito ang República na nagbibigay n~g camahalan at carapatan sa lahat ayon sa bait n~g bauat isa, nang pagcadaquila alangalang sa caluagan at calayaan at n~g casaganaan at cadilagang tinataglay n~g casipagan.
Ang Marianas, ang Carolinas at iba pang nasasacop n~g Pamunoang castila dito sa Oceania ay malalaquip sa República cun sila'y talagang maquipag-isá sa m~ga taga Pilipinas sa gauang pagbaban~gon n~g casarinlan ó sariling basaysay. Ang lupain n~g República ay pagtatan~gitan~giin sa man~ga nayon, at baua't isa nito'y pamamahayan n~g ilang maganac na napopooc sa isang lugal.