Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 8, 2025
Ihanap mo ang iyong bayan n~g República, yaon bagang ang lahat na nagpupuno ay palagay n~g man~ga namamayan, at huag mong payagan cailan man ang Monarquía ang pagcacaroon baga nang hari; sa pagcat ualang binibigyan ang hari nang camahalan cundi ang isa ó ilan lamang na maganac upang maitanghal ang sarili niyang camaganacan, na siyang pangagalin~gan nang lahat na maghahari; hindi ganito ang República na nagbibigay n~g camahalan at carapatan sa lahat ayon sa bait n~g bauat isa, nang pagcadaquila alangalang sa caluagan at calayaan at n~g casaganaan at cadilagang tinataglay n~g casipagan.
Icalima. Pagsaquitan mo ang caguinhauahan n~g iyong bayan n~g higuit sa iyong sarili at pagpilitan mong siya'y pagharian n~g cabaitan, n~g catuiran at n~g casipagan: sa pagca't cun maguinhaua siya'y pilit ding guiguinhaua icao at ang iyong casambahay at camaganacan. Icaanim. Pagpilitan mo ang casarinlán n~g iyong bayan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap