United States or Gambia ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Cung napagtátalastas co sanang aco ang pinagpapatoonan n~g política n~g Filipinas, at cung mapagtalastás co sanang cagamitan n~g aking m~ga kababayan ang aking pag-lilingcod, marahil mag-alinlan~gan aco sa pagpapatuloy nitong aking gágawin; datapowa't may m~ga ibáng macacahalili sa akin, at humahalilí na n~gang malaki ang nagagawa cay sa akin; hindî lamang ito: marahil pa'y may m~ga nagpapalagay na aco'y calabisan na, at hindî gagamitin ang aking m~ga paglilingcod, sa pagca't aayaw niláng pakilusin acó.
¡Dios co! ang biglang sinabi ni Ibarra, at siyá'y nagulomihanan. ¡Guinoo, huwág pô cayóng mag-alinlan~gan, huwag nating sayan~gin ang panahón, pagcá't marahil matuloy n~gayóng gabí rin ang munacalang pangguguló! Tila mandin hindi siyá naririn~gig ni Ibarrang nacadilat n~g mainam at naca capit sa ulo ang m~ga camáy.