United States or Côte d'Ivoire ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Dios co! ang biglang sinabi ni Ibarra, at siyá'y nagulomihanan. ¡Guinoo, huwág pô cayóng mag-alinlan~gan, huwag nating sayan~gin ang panahón, pagcá't marahil matuloy n~gayóng gabí rin ang munacalang pangguguló! Tila mandin hindi siyá naririn~gig ni Ibarrang nacadilat n~g mainam at naca capit sa ulo ang m~ga camáy.
¡Sa alin mang bayan, sa Maynila, sa bahay n~g sino mang punong may capangyarihan, n~guni't sa ibáng lugar, n~g hindi nilá masabing cayó ang namumunò sa pangguguló! ¿At cung acó rin ang magcanulo n~g munacalang pangguguló?
Lumucsó ang alférez at tinititigan ang fraile sa malakíng gulat. Isáng cakilakilabot at mabuting pagcacahandang munacalang tacsíl na pangguguló, na sasambulat n~gayón ding gabí. ¡N~gayón ding gabi! ang bigláng sinabi n~g alférez, na dinaluhong ang cura; at tinacbó ang canyáng revolver at sable na nacasabit sa pader. ¿Sino ang aking daracpin?, ¿sino ang aking daracpin? ang sigáw.
Inyó pong sunuguin ang lahat n~g papel na inyóng sinulat ó ang isinulat sa inyó; ang lalong waláng cahuluga'y caniláng masasapantahang masamâ ... N~guni't ¿bakit? ¿Bakit? sa pagcá't bago cong natuclasan ang isáng munacalang pangguguló na cayó ang ipinalálagay na may cagagawán at n~g cayó'y ipahamac. ¿Isáng munacalang pangguguló? at ¿sino ang may cagagawán?