Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 19, 2025
¿Anóng gagauín co sa ganitóng bagay? ¡ang sintá co caya,i, baya-an mamatáy! napahinuhod na acó,t, nang mabúhay ang Principeng írog na cahambal-hambál. Ang dî nabalinong matibay cong dibdib nang súyo nang hari, bála at pag hibic, naglambót na cúsa,t, humain sa sáquit at nang ma-iligtás ang búhay nang ibig.
"at nang ma-iligtas ang búhay nang ibig". Sa "Kun sino ..." ay "maligtas" ang nakalagay; kaya, naging pilay; at upang malunasan ang kapilayang ito ay dinagdagan naman ng "nga" ni P. Sayo; "at nang maligtas nga ..." NAGHUNOS. Sa iba ay "naghugos"; at ito ang tumpak. Sinsay, at di kapit, ang "naghunos". Nguni't, sino kaya sa atin ang makapagsasabing nang panahon ni Balagtas ay di wasto iyan?
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap