United States or Denmark ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hinabol cayong dalauá nang anyong aabutan na, ang sabóng caniyang dalá sa lupa'i, inihulog na. Tingnan mo ang carunungan niyong princesang timtiman, naguing isang cabunducan yaong sabóng binitiuan. Hindi nanga nacaraan ang cabayong sinasac-yán, apat na leguas ang lagay niyong inyong calayuan. Diyata't, sa lahat bagá nang hirap niyang dinalá, hindi mo pa naquilala yaong si doña María.

Nang malapit nang abutan princesa'i, muling nagsaysay, don Jua'i, eto na naman ang haring aquing magulang. Ang guinaua nang princesa quinuha ang sabón niya, sa lupa'i, inihulog na naguing isang bundóc bagá. Hindi ngani magcaraan ang cabayong sinasac-yan, nababaón ang catauán sa sabón na cabunducan. Naisip sa loob bagá nitong daquilang monarca, na hilahin ang rienda at mag-libid capagdaca.

Ang guinaua nang princesa niyong aabutan sila, ang coje niya'i, quinuha sa lupa'i, inihulog na. Naguing isang caragatan na malalim at maluang, hindi nanga nacaraan cabayo nang haring mahal. Di anong magagaua pa di na macahabol siya, guinaua nang hari baga benendicionan pagdaca. Sa pangalan nang May-gaua nang Dios Haring daquila, ito ngayong aquing sumpa tumaláb sa iyong paua.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap