Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 3, 2025
Ang m~ga ito ay siya nilang pinagkayarian sa pulong na idinaos sa kinahapunan n~g pagkatanggap nila n~g babala; kaya't nang umagang yaon n~g ika 29 n~g Hunio, at sa pook na naiulat na sa dakong una, ang m~ga dukhang anák-pawis, ang m~ga manggagawang tabakero na nagkakatipon sa iba't ibang súlok at hayág na pook n~g m~ga daang Ilaya at Azcarraga, ay sabik na sabik at iníp na iníp na halos sa paghihintay sa kahahangganan n~g paguusap, na nang m~ga sandaling yaon ay idinadaos n~g nahalal na Lupon n~g m~ga manggagawa at n~g m~ga mamumuhunan.
¡Umasa tayo at maghintay! ang ipinanglulunas na lamang niyang hatol sa lahat. Oó; umasa tayo at maghintay ... ang ikinasisiyang tugón naman n~g marami. Subali't ... ¡bigong pagasa! at ¡sayang na paghihintay! Sapagka't sa kinahapunan noón, si Pablo ay boong tápang na pumasok sa maluwang na pinto n~g Pagawaan, na kasama n~g may labing isá pa, buhat sa ibang ginagawan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap