United States or Fiji ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tingnan na ngâ lamang ninyó ang aking si Andoy, ¡tingnan ninyó siyá cung dí camukhâ na ni San Vicente! At cumacayat ang laway n~g mabaít na ina sa panonood sa canyáng anác na hinahawacan ang tenedor n~g dalawang camay. ¡Tulun~gan nawa siyá n~g Dios! ang idinugtóng n~g matandang lalaki, na n~ginun~guyâ ang sapá; cung maguing papa si Andoy, cami pa sa sa Roma ¡je! ¡je! nacalalacad pa acóng mabuti.
Magcacaroon silá n~g wacás ayon sa canicaniláng carapatán ang ipinagpatuloy na párì Dámaso; nákikita sa calaguitnaan ang camáy n~g Dios, kinacailan~gang maguing bulág upang huwag mámasdan. Tumatanggap na sa búhay pang itó ang m~ga magúlang n~g gayóng m~ga ahas ... nan~gamámatay sa bilangguan ¡jé! ¡jé! at masasabi nating waláng sucat na.... Datapuwa't hindî natapos ang sinasabi.
Salita Ng Araw