United States or Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi lihim sa bunying Patriarca ang misterio nang mahal na Pasion at pagcamatay ni Jesucristo, yayamang talastas na si Jesucristo ay Dios na nagcatauan tauo, at cusang magpapacahirap at mamamatay, n~g masacop ang tauo, n~guni sa pan~gun~gusap ni Simeon, ay nanariuá at umantac ang sugat nang pusó at parang naquiquita sa sandaling yaon ang pag usig at pagdaquip cay Jesús, ang man~ga tampal at hampas, ang m~ga tinic na ipuputong, ang mabigat na Cruz, at ang m~ga pacó, at sa catagang sabi, ang casangcapang lahat na gagamitin, sa pagpapasáquit sa caniya.

Ang m~ga camahalan sa bayan, ang cahalimbaua,i, corona na di ipinagcacaloob cun di sa may carapatan, caya di dapat pagpilitang camtan cun di tanguihan, cun inaacala na di niya icamamahal, sa macatouid, cun di mapapurihan ang camahalan. Ang corona, camahalan at caran~galan, ang dapat humanap nang ulo na puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap nang coronang ipuputong.

Ang estadong iyan ay isang daang lalacaran ninyo sa pag tun~go sa lan~git ay di carampatang sinsayan, at pagsininsayan ay di cayo macararating sa linalacbay na caloualhatian. Ang baua,t, isang hirap na inyong pagdadaanan, ay houag ariing hirap cun di hiyas na niyayari ninyo at ipinamumuti sa corona ni Jesucristo, bulaclac na doon sa lan~git ay inyong daratnán ay siyang ipuputong sa inyo.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap