Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 27, 2025
Ang ganitong alipin ay naglilingkod n~g salisihang buan sa makatuid baga'y isang buang ipinaglilingkod ang bahagi niyang laya. =Katungkulang n~g alipin.=
At sa buang ikinalalaya ay maaaring ipaghanap niya n~g sa ganang kanyang sarili ó kung sa pan~ginoon din niya ay may matuid na maipakabig sa kanyang utang ang dapat niyang kitain sa panahon n~g kanyang kalayaan na ipinaglilingkod niya. At ang halaga ay isinasan-ayon naman sa kanyang pagkaalipin kung namamahay ó kung sagigilir.
Hindi rin nan~gagsisibayad n~g buwis at ang paglilingkod na ginagawa n~g m~ga ito ay ang tungkol lamang sa naayon sa ugali . Itong ugaling tungkulin nila, ay ang sumunod sa utos n~g pan~gulo ó puno sa panahon n~g digma: kaya't ang m~ga ito ang siyang nan~gagsisibuo n~g kawal ó hukbo n~g balan~gay at sa ganito'y may pamagat na kabalan~gay . Bukod dito ay tungkulin din nila ang tumulong sa pan~gulo ó Dato kung panahong nagbubukid ó umaani at gayon din sa pagtatayo n~g bahay, sa pag-gaod sa sasakyan niya kung sakaling naglalayag n~guni't sila'y pawang pakain sa loob n~g boong panahong kanilang ipinaglilingkod.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap