United States or Bermuda ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kung sa akin silá hahadláng ay itutulak ko silá n~g dalawáng kamáy at bubulyawán kong: ¡Maaliwalas ang daan ko! ¡Nakikita ko ang aking nilálakaran! ¡Tanglawán ninyó ang inyóng landasin at di ko kailan~gan ang inyóng ilaw! ¡Manipís mán ang aming m~ga katha ay piniga namáng tunay sa aming sariling isipan at di naming ninakaw sa isipan n~g m~ga makatang kastila, ingglés, pransés, at ibá ! ¡Mura mán ang aming m~ga aklát ay madali namáng maubos at di ináamag sa m~ga aklatan!

Masaráp ang wikang Ingglés, ang turing n~g Ingglés; lalo na ang wikang Kastila, ang saló n~g Kastila; lalo pa ang wikang Pransés, ang habol n~g Pransés, palibhasa'y para-para siláng may damdamin at marunong magmahál sa m~ga kalulwá n~g kaníkaniláng bayan, na alinsunod sa m~ga pantás na sinásamba n~g marami, ang wika, ay siyáng kalulwá n~g bayan.

Ang amerikano'y anyong nagalinlan~gan pa sa m~ga ipinahayag n~g dalawang magkasama, subali't dahil sa napaghalatang sila'y m~ga tao ring may pinagaralan, alangalang sa kanilang malinis at sanay na paggamit n~g inggles, saka sa mabuting ayos n~g kanilang pananamit na di mahihintay sa m~ga may masasamang loob na dapat paghinalaan sa gayong pangyayari, ay nagkibit na lamang n~g balikat bago tumalikod na pumanhik sa isang bahay na nakaurong sa daan.

N~guni't ... sa bibíg n~g ilang m~ga Tagalog, ay hindi ganitó ang namúmutawi. ¡Katiwaliang lahát at balót n~g m~ga kahan~galán ang lumálabás! Pawáng kapalaluan na anyá'y masaráp ang wikang Kastila at Ingglés kay sa wikang Tagalog kaya't ni di ko tinitisod ang m~ga katha dito, n~guni't masdán mo ang aking m~ga nobelang Ingglés at Kastila ay hindi na mabilang.

Salita Ng Araw

obat

Ang iba ay Naghahanap