United States or Costa Rica ? Vote for the TOP Country of the Week !
May isang buwan ding araw na mahigit bago napatuloy gayak sa pagalis dahil sa kasamang magsisipaghatid na man~ga maginoo at soldadong kabig. Tatlong Imperyo ay may kanikaniya na man~ga sasakya't inihatid nila tulo'y nagpasabi doon sa Kastilya yaong tatlong man~ga bantog na Monarka.
Mula n~gayo'y ikaw ang siyang pan~gulo bilang na General nang aking Imperyo tanggapin mo n~gayon itong kaloob ko na tusón nang pagka Generalisimo. Tuloy ang winika sa basalyong tanan hayo't ipagbiba ang ating General at ayon sa taglay niyang katapan~gan ang sigaw nang lahat mabuhay mabuhay.
Humin~gi ring tulot siya n~ga sa Francia at linakbay yaong Imperyo nang Rusia at sa Emperador humarap pagdaka at hinin~ging siya'y isama sa guerra. Nang mapagkilala'y tinanggap ding agad niyong Emperador na labis nang galak ang kalakhang hukbo ay nang maigayak sa taning na araw sila'y nagsilakad.