United States or British Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Gayon din ang kastila, na sapagka't namuno ritong malaong panahon ay nakapaghalo rin n~g m~ga salitang tungkol sa pananampalataya, sa karunun~gan, sa kasangkapan at sa pagkain at ibapa, gaya n~g Dios , Espiritu , Santo , Vírgen , manzanas , sapatos , kabayo , kumpisal , baso , misa , piso , tabako , parè , cura , pamalo , biguela , karwahe , tranvia , mantika , at iba pa.

Ang ikatlong bahagi, na sa m~ga nagsipagkristiano at siyang m~ga liping tinutukoy ko sa kasaysayang ito ay masasabi nating may walong lipi ang dami na dili iba't itong m~ga sumusunod: Ang Bisaya , na m~ga taong nan~gananahan sa maraming m~ga pulong napapagitan sa Luzón at Mindanaw, sa makatuid baga'y sa m~ga puló n~g Panay, Negros, Leyte, Samar at ibapa; ang Tagalog , na nan~gananahan sa kalagitnaan n~g Luzon at nakakalat sa m~ga lalawigan n~g, Maynila, Batan~gan, Kabite, Laguna, Bulakan, Bataan, Nueva, Ecija at iba pa; ang Kapangpan~gan at Pang-asinan na nan~gakakalat sa m~ga kapatagan n~g kahilagaan nitong Luzon; ang Ilokano , na nan~gananahan sa may dakong kalagitnaan n~g hilaga't kanluran nitong Luzon; ang Kagayan na nan~gagsasalita n~g wikang Ibanag at nan~gananahan din sa Kagayan; ang Bikol na nan~gananahan sa Kamarines at sa m~ga lalawigan n~g Sorsogon; at ang Sambal na nan~gananahan din sa Sambales.

At gutom pa halos nagbibili ng mga kalmen, cuentas, correa at ibapa, pang dayá ng salapi, pampasamá sa kalulua; sa pagkat kalminin mo man ang lahat ng basahan sa lupá, cuintasin mo man ang lahat ng kahoy sa bundok ibilibid mo man sa iyong bayawang ang lahat ng balat ng hayop, at ang lahat na ito'y pagkapaguran mang pagkuruskurusan at pagbulongbulongan ng lahat ng pari sa sangdaigdigan, at iwisik man ang lahat ng tubig sa dagat, ay di mapalilinis ang maruming loob, di mapatatawad ang walang pagsisisi.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap