Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 9, 2025
Cahit uicain mang canila rin dusa ang di itahimic sa simpang balisa at cahit paluhog na halos sumamba ayao ring mabucsang dib-dib ni Julieta. Cung gano ang tibay't tapat na pagcapit sa mahal niyang puso n~g sinta't pag-ibig ay gayong din naman ang lihim sa dib-dib sa ina may caguiat ayao ipagsulit.
Puso n~g lalaquing sa sintay bugasoc lalo cung ang gulang bulac lac sa tampoc, cung gano ang tulin sa nasang maabot siya naman saquit puri cung maumpog, Ano pa't sa m~ga gabing nagsunuran Romeo'y sa jardin masoc cailan man, Julieta'y lauit na nacung maramdaman bintana n~g silid isang sutlang hagdan;
Ang m~ga cataua'y nangyaring namanhid sa dagan n~g dusang handog n~g hinagpis, titigan sa quilos himutoc ang sulit dahil sa nangyari at sa masasapit. Sa pagayong anyo n~g isip cung masdan panulat n~g pantas tila calabisan, pagcat yao'y lalong hinahong magsay-say cung ano at gano sa puso'y pumisan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap