United States or Saint Vincent and the Grenadines ? Vote for the TOP Country of the Week !


Yaong isang Pierrot at isang Columbinang nahigin~gan niyang nagkaisang magtanan sa m~ga kasama't maliksing nakay sa isang autong aywan niya kung saan nagtun~go; yaong isang dimonyong pula at isang dimonyong itim na nakipagindakan muna sa kapal n~g tao sa "Auditorium", saka pagkatapos ay magkakawit ang m~ga bisig na nagkubli sa dilim, nanunton sa m~ga pook na lin~gid at makasandali'y matagal na nawala sa kung saang bahagi n~g maluwang na siyudad na iyon; yaong isang Aida at isang Radames na nagpakalan~go muna sa malaking bar n~g "San Miguel Brewery" sa loob n~g siyudad at kapagkuwa'y naghudyatang tila may paroroonang mahalagang bagay, bago'y pagkatalin~gid sa m~ga taong sukat makapuna sa kanila'y boong bilis na inihatid n~g isang auto sa isa sa m~ga ligpit na hotel sa San Sebastian, samantalang ang kanilang m~ga kasama'y nakikipagbiruang walang hulaw sa loob n~g mailaw na siyudad ... ang lahat n~g iyon ay m~ga alalahaning kumakayag sa budhi ni Tirso upang siya ay magmunukala n~g isang kaparaanang sukat bagang ... ikaganap n~g kanilang nabibiting tipanan ni Elsa.

Ang m~ga dalaga ay karaniwang magsuot n~g gayak Columbinang kaakitakit sa bawa't makakita, at ang m~ga binata nama'y nagdadami't Pierrot na lubhang katawatawa.

Hindi naman siya gaanong nainip at dumating sa harap niya ang dalawang Columbinang dilaw, tila kambal sa pagkakawan~gis n~g tabas at kulay n~g kanilang balatkayo. Ang pagkakaparis na iyon ay nakapagpaulikulik kay Tirso, palibhasa'y hindi niya makilala kung sino roon si Elsa at kung sino naman ang isang kasama.

Salita Ng Araw

makapagpapasariwa

Ang iba ay Naghahanap