Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Agosto 13, 2026
Dahilan dito sa pag-iinom nang marami, palibhasa,i, ang sicmura,i, naroong parating puno, ay malacas lumaban sa baga, at hindi pinababayaang mabubo ang nana sa dibdib, cundí pinipilit magpaitaas sa lalamunan, at cun gayo,i, mailulura nang maysaquit. Saca pinapag-uubo ang may catauan nang suca at tubig, na biglang isinusumpit sa loob nang bibig nang isang sumpit na munti, na cauayan man.
Cun baga hindi maalam magmumog ang maysaquit, ang caniyang ipagmumumog pinatatama nang sumpit na munti, na cauayan man, doon sa caniyang lalamunan; itong ganitong pagsumpit ay totoong buti, at cun minsan siya ang iquinapagpapalabas nang maraming malalagquit na cungmacapit sa ilalim nang lalamunan, at siya rin ang iquinaguiguinhaua nang maysaquit.
Nota Ang ugat nang bacong ay igagayac muna nang gayon: Ang ugat na bagong nahucay sa lupa, ay hinuhubdan nang man~ga unang balat na tila tuyo; ang malinis ipinapasoc sa horno, at iniluluto doon parang tinapay; saca inaalis doon, bago hiuain nang matalim na patpat na cauayan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap