United States or Niger ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang sinasaysay ay casalaulaan, caculan~gan nang hiya at bait nang sumusunod sa mahalay na moda. ¡Masamang casalan na pangsira sa man~ga caloloua, nunucao nang galit nang Dios na tayo, parusahan! Ipagcaloob nauá nang Lan~git na maliuanagan: ang nagcacamaling bait nang cabinataan. In~gatan ca nang Dios, Feliza. Si Urbana cay Feliza . MANILA ...
Cung sumisinsay na sa matouid, na pinagcacadahilanang ipahayag sampo nang casalaulaan; ito,i, isang caasalang nauucol lamang sa tauong salát sa cabanalan at sa calinisan, caya malaqui man ang pagiibigan ay di dapat iloual ang boong nasa sa loob.
Maniniclohód nang boong galang sa harapán nang Dios, magdarasál nang rosario, at houag tularan ang naquiquita sa iba, sa matanda ma,t, sa bata na nacatin~gala, nacabucá ang bibig na parang isang han~gal, na napahuhula. Houag bobonotin ang paa sa chapin, sapagca,t, isang casalaulaan.