Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Agosto 7, 2026
N~gumitî n~g boong ligaya si Ibarra, binucsán ang canyang cartera, kinuha sa loob niyón ang isáng papel at sa loob nito'y may nababalot na m~ga dahong nan~gin~gitim, tuyô at mababan~gó. ¡Ang iyóng m~ga dahon n~g sambóng! ang isinagót ni Ibarra sa titig ni María Clara, itó lamang ang naibigáy mo sa akin. Dalidalí namáng kinuha ni María Clara sa canyáng dibdíb ang isáng bolsitang rasong maputî.
N~gumitî n~g cauntî si Ibarra, sacâ súmagót, casabay ang pagcuha sa canyang cartera n~g iláng m~ga papel. Malìmit na nagtátanong pô sa inyó ang aking nasírang amá sa iláng m~ga bagay, at natátandaan cong páwang casayahan ang canyang tinamó lamang sa pagsunód sa inyong m~ga cahatulan. May casalucuyan acóng isang munting gawain íbig cong papagtibayin ang magandang calalabasan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap