United States or Morocco ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ñguni,t, nagbiñgi-biñgihan si don Andrés sa mañga caraiñgan at sa mañga luha nang caniyang anac na si Pili, at inulit nang inulit niya ang utos, na gauing madali nilang mag-ina ang ipinagaua sa canila.
Sa di macuha ni Felicitas sa mañga capamanhica,t, caraiñgan, ang ninanasa nang caniyang loob, ang houag bagang paluasin si Proper sa Maynila, ay tumahimic na, at tumulong na siya sa caniyang inda sa paghahanda nang mañga ipinahahanda sa canila ni cabezang Andrés.
Datapoua,t, naubos ang salaping dala niya, napagod siya nang di hamac, nang calalacad dito,t, doon, at hindi lamang hindi pinaquingan ang caniyang pag-iiyac, at ang mañga caraiñgan nang caniyang mañga caquilala at camag-anac, na pinintacasi niya, cundi bagcus ay nanaog ang isang mahigpit na hatol at sentencia , na ang iniuutos doon, ay: ipadala agad sa Balabac si Próspero "Baticot anac ni don Andrés Baticot at ni doña María Dimaniuala, na taga Tanay; dahilan sa caniyang masasamang caugalian at antecedentes at dahilan sa mañga perjuiciong guinaua at guinagaua niya sa caniyang capoua tauo."