United States or Madagascar ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sagót ni don Jua't, badyá huag cang mag-ala-ala, aco'i, ualang ibang sintá hindi malilimutan ca. Lumacad na si don Juan pumasoc sa caharian, at nagtulóy capagcuan sa hari niyang magulang. Nang siya ay dumating na sa harap nang haring amá, caguluha'i, sabihin pa nang consejerong lahat na. Sa malaquing caingayan sa loob nang caharian, ito'i, agád napaquingan ni Leonorang timtiman.

Ay ano'i, nang matapos na siyam na arao na fiesta, caguluha'i, payapa na nitóng daquilang monarca. Aquing ipagbalic naman sa lobong pinacaualán, nang maquita si don Juan manga lamóg ang catauán. Ang guinaua capagdaca nitong lobong encantada, guinamót pinag-ayos na catauáng caaya-aya. Ano'i, nang gumaling naman at siya nga'i, macagalao, ang lobo'i, nuha pagcuan nang tatlong botellang hirang.

Viva ang inahihiyao nang boong sangcaharian, mabuhay na ualang hangan ang emperador na mahal. Sabihin bagá ang guló doong sa loob nang reino, arao, gabi ang músico ualang tahan sa palacio. Ay ano'i, sa matapos na siyam na arao na fiesta, caguluha'i, payapa na nitong bagong nagcorona. Ang emperador na mahal at asaua niyang hirang, nagpasunod nang mahusay sa tanang nasasacupan.

Salita Ng Araw

obat

Ang iba ay Naghahanap