Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Agosto 25, 2026
¡Hindi manyayari! ang bigla't patiling hadlang n~g mestisang mistulang pinagdaupan n~g lan~git at lupa sa sandaling iyon. Nangyari na, Elsa ... malumanay na tugon ni Teang. ¡Pangahas! ang bulalas na wika n~g nasasakitang mestisa, at umanyong duduhapan~gin ang kanyang katun~go. ¡Dios ko! ang tili n~g manang. ¡Elsa! malakas na tawag naman ni donya Basilia. Siyang pamamagitan ni Tirso.
At maliksing umalis oras na maisakamay ni Tirso ang isang liham na nasa munting sobre, saka ang buslong yaon n~g bulaklak na pinagkaguluhan n~g m~ga katoto n~g naturang makata. ¡Makatang mapalad! ang bulalas n~g lahat, pagkamalas sa gayong handog na kapagkaraka'y sinapantaha nang padala n~g magandang si Teang.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap