United States or China ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang man~ga gamot na cailan~gang ihanda,t, in~gatan nang Médicong tagalog sa caniyang bahay. Ang isang botellang balat nang Ditang binayo, at ag-ag sa sinamay na masinsin. Yaong botella,i, doroonan nang taquip na daluro. Ang isang botellang balat nang Iguio na babayohin din at aag-aguin sa sinamay na masinsin. Ang botella,i, tatacpan nang dalurong mahigpit.
Ang timbang anim, ó sangpuong pisong Mercurio na yao,i, bibilhin sa Maynila, at itatago sa garrafa. Ang mercurio,i, cailan~gan sa quinagat nang asong ol-ol. Ang isang botellang Salitre, na pati ito,i, bibilhin sa Maynila. Ang ilang Pepita ni S. Ignacio, ó sa Catbalogan. Ang ilang caputol na sun~gay nang usa, na sinunog. Ang halagang dalauang pisong Ruibarbo, na babayohin at itatago sa botella.
Salita Ng Araw