United States or Turkey ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindî maihahalal na defensor cung isá ring oficial n~g Ejército, alinsunod sa utos n~g Auditor Peña. Náhalal na fiscal ang ganid na pusong si don Enrique de Alcocer.

Dinin~gíg ni Rizal sa loob n~g walompo at limang minuto ang pagbasa n~g "causang" laban sa canya; pagcatapos ay binasa naman n~g fiscal na si Alcocer ang canyang m~ga sumbóng, na sa catapusa'y hinihin~ sa pan~galan n~g hárì sa Españang patayin si Don Jose Rizal Y Mercado Alonso.

N~g marin~gíg n~g caramihang castilang doo'y nanonood ang maban~gís at catampalasanang cahin~gîan ni Alcocer, nan~gagpacpacan n~g mainam at sa m~ga matá nila'y bumúbuga ang galác n~g boong infierno. Pagdaca'y nagtindíg namán si D. Luis Taviel de Andrade, at binasa ang canyang macatuwiran at bayaning pagsasanggalang.

Guinawâ ang Consejo de Guerra n~g ica 26 n~g Diciembre n~g 1896 sa "cuarto de banderas" n~g "cuartel de España". Binubúò ang Consejo de Guerrang iyon n~g teniente coronel n~g caballería na si D. José Togores Arjona, pan~gulo; m~ga "vocal" si D. Ricardo Muñoz y Arias, capitan sa artillería; si D. Manuel Reguera, capitan n~g caballería número 31; si Don Santiago Izquierdo Osorio, capitan n~g cazadores n.° 8; si Don Braulio Rodriguez Nuñez, capitan n~g cazadores n.° 7; si D. Manuel Diaz Escribano, capitan n~g batallón n~g ingenieros; at si Don Fernando Pérez Rodriguez, capitan n~g Subinspección de las armas generales. Caharap dín doon ang teniente auditor de segunda na si D. Enrique de Alcocer y R. de Vaamonde, si Rizal, ang canyang defensor na si D. Luis de Andrade, teniente n~g infantería, ang isáng capatíd na babae ni Rizal, ang casintahan nitóng si G. Josefina Bracken at ang lubhang maraming táong halos pawang m~ga castíl

N~g ica 21 n~g Diciembre n~g 1896 ay ipinadala sa Consejo de Guerra n~g teniente fiscal na si D. Enrique de Alcocer y R. de Vaamonde, anac n~g isang meztisong castíl

Salita Ng Araw

obat

Ang iba ay Naghahanap