United States or Gibraltar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang agua de luz cailan~gang bilhin sa, botica. Bucod doon sa man~ga bagay na sinabi co n~gayon na magaling igamot sa tinuca nang ahas, mayroon namang iba, na magagaua rin sa maysaquit nang madaling gumaling. Caya pagca yari na yaong man~ga bilin sa párrafo 146, 147, 148, mabuting painumin ang maysaquit nang tubig na may gata nang dayap ó nang tubig na sinucaan.
Gamot sa quinagat nang atangatang sa uicang castila,i, alacrán. Ang pag-gamot sa quinagat nang atangatang ay para nang guinagaua sa quinagat nang ahas; bubunutin muna lamang ó susunquitin nang carayon ang pinacapanuca nang hayop, cun baga nababaon sa laman; saca ang man~ga turo sa párrafo 146, sa 147 at sa 148, susunding gagauin sa maysaquit. Gamot sa quinagat nang gagamba.
Ang guinagaua sa quinagat nang ahas, yaon din ang maigui rito: caya cun baga hindi nacagaling ang dagta nang hauili , at ang tapal na bauang at triaca , susundi,t, gagauin ang man~ga bilin sa párrafo 146, sa 147, at sa 148. Ang magaling sa lahat ay ang pepita sa catbalogan , ayon sa sinabi co sa párrafo 147; ito,i, totoong daling nacaguiguinhaua sa maysaquit.