United States or Djibouti ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~guni't ¿pagkakasala baga ang pagsunod sa malalayang pitlag n~g pusong dumaramdam n~g paggiliw? Ang pagkakasala, ay ang pagsuway sa iniaatas n~g pusong iyan. ¡Nararapat nang mawakasan ang m~ga paghihirap kong ito! ang nanggigitil na nawika, matapos paglimilimiin ang ganyang hakahakang sarilingsarili n~g kanyang pagkamestisa.

Ang ginawang paghawak ni Tirso habang nasa kalesa sila sa kanyang dalawang maliliit na kamay na binibigyan pa n~g bahabahagyang pisil na isinasaliw sa kahi't anong sabihin; ang pagpaparinig sa kanya noon n~g m~ga halimbawang may dalawang kahulugan na kung minsa'y makakiliti at kung minsa'y makakalamkam; at ang malimit na paglalagay sa pinggan niya n~g sarisaring ulam nitong nagsasalo na sila; saka ang mahigpit na pagtanggi't pagkakaila ni Tirso nang banggitin niya't pakibalitaan si Teang; ang lahat n~g ito ay m~ga pangyayaring mahigpit sa kailan~gan upang siya, si Elsa, ay magkapaniwalang si Tirso ay dili ang hindi n~ga natatawag na sa di karaniwang alindog na tinataglay n~g kanyang pagkamestisa.

Higit kailan man ay noon pa lamang naniwala ang kanyang pagkamestisa na siya pala ay babae ring katulad n~g manipis na kristal na napapan~ganib na lubha kapag nalalapit sa matigas na bakal.... ¿Malayo pa po ba tayo sa pampang, mama? ang naitanong na lamang makasandali ni Elsa sa tagapagpalakad n~g bangka.

"Kung sa bagay, ay di n~ga kaila sa iyo ang aking pagkamestisa. N~guni't hindi maikakait n~g sinoman na sa m~ga ugat ko'y tumatakbo rin naman ang dugong pilipino.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap