United States or Vietnam ? Vote for the TOP Country of the Week !
At ang kadakilaan n~g isang lalaki ay dapat kilalanin sa matimping ugali at hindi sa nararahuyo sa tukso n~g kababaang asal. Ang babae, bagama't mataginting na tulad sa kristal, ay isang babasaging pagkarupokdupok na sapat sa lahat n~g kapariwaraan; samantalang ang lalaki'y bakal na mistulang kalarawan n~g tibay na sapat naman sa dilang kabayanihan.
Higit kailan man ay noon pa lamang naniwala ang kanyang pagkamestisa na siya pala ay babae ring katulad n~g manipis na kristal na napapan~ganib na lubha kapag nalalapit sa matigas na bakal.... ¿Malayo pa po ba tayo sa pampang, mama? ang naitanong na lamang makasandali ni Elsa sa tagapagpalakad n~g bangka.
N~guni't para kay Tirso Silveira, hindi sapagka't bakal ito at kristal iyon ay kabayanihan na nitong huli ang pagdiriwang na lagi sa ibabaw n~g kahinaan, karupuka't pabiglabiglang tibok n~g puso n~g una.