United States or Greenland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapwa't ang babae, na kapatid n~g kahinaang loob at hinlog n~g pagkasalawahan, ay madaling nagmamaliw, lumilimot sa pan~gako at kumikita n~g bagong ligaya sa lilim n~g pakikipagsuyuan sa iba. ¡Oh, gaanong pagasa n~g lalaki ang nalibing sa laot n~g kapariwaraan, sanhi sa ganyang pagkakabilanin n~g di iilang babae!...

At yamang nalalaman niyang gayon, ay kautan~gan na naman niya ang gumawa n~g tanang marapat gawin, upang maiwasan ang bumabalang kapariwaraan. "...At ang tao ay nalikha na may isip na kasama" ang narinig niya sa isang tula ni Tirso. At ang isip na iya'y nakay Elsa: kinakailan~gang gamitin niya sa lahat n~g bagay at sa lahat n~g pagkakataon.

Nagaagawan sa kanyang panimdim ang pagibig at pan~gamba. Iniibig niya si Tirso; n~guni't sa dahilang di niya hinihintay na magkakaroon n~g gayong pagtuturing ang makatang ito sa gabing iyon n~g kanilang paglalamay, ay nan~gan~gamba naman siyang baka iyo'y kung ano nang babala n~g kanyang kapariwaraan.

At ang kadakilaan n~g isang lalaki ay dapat kilalanin sa matimping ugali at hindi sa nararahuyo sa tukso n~g kababaang asal. Ang babae, bagama't mataginting na tulad sa kristal, ay isang babasaging pagkarupokdupok na sapat sa lahat n~g kapariwaraan; samantalang ang lalaki'y bakal na mistulang kalarawan n~g tibay na sapat naman sa dilang kabayanihan.

Ang isang pusong salawahan at walang iisang pagibig ay asahang pusong marungis na siyang magtuturo ng landas sa kapariwaraan; at pusong siyang magdudulot ng kasawian sa kapwa pusong dalisay at wagas. Ngayon ay iniwaksing lahat ni Eduardo ang mga gunitang: nauukol kay Leoning! Nalaman niya ang lahat. Kay sama ng ibubunga kung ang isang pusong tatangkilikin ay isang pusong walang iisang pagibig.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap