United States or Kiribati ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kailan ma'y hindi ako pinagdadayaan n~g m~ga mata ko, G. Martinez, ang naging sagot n~g nasa kaliwa. Sa pagkatin~gin ko man ay sila rin. Kung gayo'y madali tayong magpihit at sila'y tultulan natin. Mabuti n~ga, at sa isang tukoy sa tagapagpalakad n~g sasakya'y sinabi: Kutsero, vuelta . N~guni't ang hayop na humihila ay tila suwail na hindi kadaglidagling nakukuha sa m~ga pabiglabiglang ubos.

¡Elsa, lumigaya ka nawa sa Bagong Taong ito! ¡Tirso, maging mapalad ka sana sa m~ga pan~garap mo! Dinatnan n~g dalawa ang isang lalaking may kagulan~gan na, na sa anyo at pagbabansag ay napagkilala nilang siyang tagapagpalakad n~g tinurang sasakyan.

Salamat na lamang at ang pagkakatigilan nilang dalawa ay ginambala n~g mahinang salita n~g matandang tagapagpalakad n~g bangka. Sadsad na po tayo. At siya n~ga naman. Nang lin~gunin ni Elsa't ni Tirso ang dakong dulo n~g bangka, ay naanag-agan nilang isang dangkal na lamang halos ang layo sa lunsarang pampang. Sa gayo'y maluwag nang nakahin~ga ang dalaga.

Higit kailan man ay noon pa lamang naniwala ang kanyang pagkamestisa na siya pala ay babae ring katulad n~g manipis na kristal na napapan~ganib na lubha kapag nalalapit sa matigas na bakal.... ¿Malayo pa po ba tayo sa pampang, mama? ang naitanong na lamang makasandali ni Elsa sa tagapagpalakad n~g bangka.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap