United States or Cabo Verde ? Vote for the TOP Country of the Week !


¿Di ba tayo pasasa Pandakan? ang mayamaya'y naitanong ni Tirso, nang mamasdan niyang si Elsa'y parang naghihintay sa kanya n~g anomang sasabihin. Oo n~ga, isinagot n~g mestisa, n~guni't mamayang maghahatinggabi, pagkatapos na tayo ay makapagpasyal sa Escolta at makapanood sandali n~g sayawan sa Plaza Moraga. Kung gayon, ay tayo na.

¿Anó itó? ang sa cawacasa'y naitanong n~g cura, at kinúha ang libro at canyang binúbuclatbuclat. ¿Ang "Rueda de la Fortuna", isáng librong liban~gan, ang sagót ni León. ¿Hindî ba ninyó nalalamang casalanan ang maniwála sa m~ga bágay na ganitó? ang winic

Napaghahalatang gaya ni Tirso ay wala ring malay-tao. ¿Sino kaya ang babaeng ito? ang di sasalang naitanong n~g mestisa sa loob man lamang niyang sarili. ¿At napapano kaya? Nang m~ga sandaling iyo'y saka lamang may lumapit na isang pulis na tila sa malayo pa nanggaling. ¿Bakit at ano ang nangyari? ang tanong na tila ibig pang magmagaling.

Higit kailan man ay noon pa lamang naniwala ang kanyang pagkamestisa na siya pala ay babae ring katulad n~g manipis na kristal na napapan~ganib na lubha kapag nalalapit sa matigas na bakal.... ¿Malayo pa po ba tayo sa pampang, mama? ang naitanong na lamang makasandali ni Elsa sa tagapagpalakad n~g bangka.

Nang sandaling iyon ay naitanong ni Elsa sa kanyang sarili kung tunay nang ang kilos na yaong namamasdan sa makata ay nagtataglay n~g ibang damdamin, ibangiba, yaong di papalayong gaya n~g una, kundi papalapit na't magbibigay kasiyahan sa kanyang m~ga lihim na pan~garap. Tiningnan niya si Tirso n~g isang tin~ging parang nan~gun~gusap. At ang bilang naging tugon n~g makata: ¡Kay ganda mo, Elsa!

Kaya sa pagiisa ni Eduardo, pagkaalis ni Leonora ay walang naitanong sa sarili kundi: Ano ang kahulugan ng lahat ng ito? May asawa si Leonora. Ano kaya nga naman kung ito ay mamalayan ng asawa ni Leonora? Ano kung mamalayan ng asawang may iba palang minamahal? Hindi kaya mapuna ang mga pagkilos ng ganitong pagbabago ni Leoning sa kay Daniel Perez?

Kaya't kanyang naitanong sa sarili: Datapuwa't ang sumagot ay ang kanya na ring sarili; Nakatagpo ko na kaya ang kinatawang ito? Sinagot ng kanya na ring budhi: hindi, hindi, hindi. Hindi pa niya namumukhaan ang kinatawang yaon. Gayon na lamang ang kanyang pagkamangha: isang kinatawan pa ang nakakilalang mauna sa kanya. Nagtataka siya nang gayon na lamang.