United States or Sweden ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang ginawang paghawak ni Tirso habang nasa kalesa sila sa kanyang dalawang maliliit na kamay na binibigyan pa n~g bahabahagyang pisil na isinasaliw sa kahi't anong sabihin; ang pagpaparinig sa kanya noon n~g m~ga halimbawang may dalawang kahulugan na kung minsa'y makakiliti at kung minsa'y makakalamkam; at ang malimit na paglalagay sa pinggan niya n~g sarisaring ulam nitong nagsasalo na sila; saka ang mahigpit na pagtanggi't pagkakaila ni Tirso nang banggitin niya't pakibalitaan si Teang; ang lahat n~g ito ay m~ga pangyayaring mahigpit sa kailan~gan upang siya, si Elsa, ay magkapaniwalang si Tirso ay dili ang hindi n~ga natatawag na sa di karaniwang alindog na tinataglay n~g kanyang pagkamestisa.

Nakaramdam si Tirso n~g isang malaking pagkahapo n~g katawan. Sa kanyang noo ay gumiti ang malalamig na butil n~g pawis, samantalang ang m~ga litid n~g dalawang paa'y tila bahabahagyang tinatakasan n~g lakas. Makasandali pa, ay boong panglalambot nang ibinagsak ang katawan sa isang peresosang nasa may likuran niya.

¡Pagkakasala! ... ¿Anong pagkakasala ang ibubuhat mong aking nagawa pagkatapos na tupdin ko ang tanang itinitibok n~g aking puso sa pagkakilala sa iyo? At sa pagsasalita n~g ganito'y; naramdaman n~g mestisang untiunting nagdidilim ang kanyang m~ga panin~gi't bahabahagyang nanglalabo ang kanyang pangwatas.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap