United States or New Caledonia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang dumating ay pabagsác sa pagod na dili hamac, ang ermitaño'i, nangusap sa laquing galit na hauac. Na ang uica bagá niya doon sa ibong águila, baquit icao'i, nahulí pa sa iyong manga familia. Dili bagá iyong unaua itong tunóg nang campana, saan man naroong lupa, ay oouí cayong biglá. Sagót nang águila't saysay panginoon naming mahal, malayo pong pinagmulán caya di nila casabáy.
Anang ermitaño naman sabihin mo't, iyong turan, ang pinagmulán mong lugar at nang aquing maalaman. Sagót nang águila't, sulit ermitañong sacdal diquit, pinangalingang cong tiquís ang reinong del los Cristales. Caninang umaga lamang aco ay nag-aalmusál, sa isang peras na mahal na ang lasa'i, malinamnám.
Salita Ng Araw